-- Advertisements --

Hinikayat ni Senator Panfilo Lacson ang gobyerno na ituloy ang pakikipag-usap sa mga rebelde grupo subalit sa kondisyon na hindi na isama si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison.

Magiging matagumpay aniya ang pag-uusap sa mga rebelde na hindi nakikinig o dinidiktahan ni Sison.

Naniniwala ito na sa nasabing hakbang ay matatapos na ang ilang dekadang problema sa insurhensiya sa bansa.

Wala na rin aniyang kuwenta ang makipag-usap kay Sison dahil hindi na nito kontrolado ang New People’s Army (NPA).

Inihalimbawa nito ang pagdeklara noon ni Sison ng ceasefire subalit nagpatuloy pa rin ang ginawang pang-aatake ng mga NPA.