-- Advertisements --

Misyon daw ngayon ng NBA star na si Rudy Gobert na mabigyan niya ng kampeonato ang mga fans ng Minnesota Timberwolves.

Kung maalala nakuha ng Wolves si Gobert mula sa Utah Jazz.

Naging malaki rin ang puhunan ng Timberwolves bunsod na mabigat ang naging kapalit na umanot sa apat na players, at limang mga first-round picks ang ipinalit kay Gobert.

Ayon kay Gobert excited na siya sa paglipat nya sa bagong team.

Sa pagkakataong ito ay lalo namang lumakas daw ang Timberwolves dahil meron na silang dalawang magagaling at “very best big men” sa liga.

Si Gobert ay three-time defensive player of the year at makaka-tandem niya ang All-NBA performer na si Karl-Anthony Towns.