-- Advertisements --

Pinayuhan na umano ni Justice Secretary Menardo Guevarra si Sharon Cuneta hinggil sa mga hakbang kaugnay sa planong pagdemanda laban sa nagbanta ng rape sa anak at singer na si Frankie Pangilinan.

Sa isang panayam, kinumpirma raw ng kalihim ng DOJ (Department of Justice) na dumulog na sa kanya ang Megastar at nagpahayag na nais magsampa ng criminal complaint sa nagngangalang Sonny Alcos.

Nasa tamang diskarte aniya ang misis ni Sen. “Kiko” Pangilinan kung saan may lead na ito agad sa kinaroroonan at kung sino ang employer ni Alcos na sinasabing nasa United Kingdom.

“Should Ms. Cuneta proceed to file a criminal complaint with the DOJ, we shall verify respondent’s identity, address for purpose of giving him notice,” ani Guevarra.

Una rito, sumabog sa galit ang 54-year-old singer actress at naihalintulad pa sa demonyo ang nagbitaw ng rape threat sa 19-anyos na si Frankie.

https://www.instagram.com/p/CBpRb_VHSqN/

Kamakailan lang ay gumawa ng ingay ang mabibigat na pananaw ni Frankie tungkol sa isyu ng rape at victim-blaming culture sa bansa.