Naibenta sa auction sa halagang $600,000 ang gitarang sinira ni Nirvana frontman Kurt Cobain.
Ang itim na Fender Stratocaster ay hindi inaasahan na mabili sa ganoon na presyo sa isang auction sa Hard Rock Cafe sa New York.
Ang nasabing gitara ay sinira ni Cobain habang ginagawa ang kanilang break-out album na Nevermind noong dekada 90.
Nabuo pa muli ito subalit hindi na siya maaring tugtugin.
Pirmado ng tatlong Nirvana members ang nasabing gitara at ang mayroon isinulat na mensahe si Cobain sa kaniyang kaibigan at musical collaborator na si Mark Lanegan.
Ang kakaiba rin sa nasabing gitara ay palaging nakakalimutan ni Cobain ang tunay na spelling ng kaniyang pangalan kaya naisulat niya sa nasabing gitara ang “Kurdt Kobain”.
Ayon kay Kody Frederick ng Julien’s Auctions na ang nasabing gitara ay ibinigay kay Lanegan noong North American leg ng kanilang Nevermind tour noong 1992.
Hindi na nila inilabas ang pagkakakilanlan ng nakabili at ang dating nakabili nito ay si Tony Palmer.
Magugunitang noong nakaraang dalawang taon ay naibenta rin ang acoustic guitar ni Cobain na ginamit sa legendary MTV Unplugged performance na nagkakahalaga ng $6 milyon.










