-- Advertisements --

Pinahiya ng Barangay Ginebra ang Phoenix Super LPG 109-89 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum.

Bumida sa panalo ng Ginebra si Christian Stanhardinger na mayroong 28 points, 12 rebounds at walong assists.

Habang mayroong 18 points, 11 rebounds at anim na assists si Justin Brownlee, 16 points naman ang nagawa ni Scottie Thompson at tig-14 points naman sina Jamie Malonzo at Von Pessumal.

Dahil sa panalo ay mayroong 6-2 win-loss record ang Ginebra.