-- Advertisements --
Nalusutan ng Barangay Ginebra para makuha ang unang panalo 87-84 sa best-of-five semifinals nila ng Magnolia HotShots ng PBA Commissioner’s Cup sa Philsport Arena.
Nanguna sa panalo si Jamie Malonzo na nagtala ng 21 points at 12 rebounds na mayroong tatlong steals.
Nagtala rin ng 16 points si Scottie Thompson at mayroong 14 points naman si Christian Standhardinger.
Hindi naman gumana ang 21 points ni Paul Lee at Aris Dionisio na mayroong 12 points para sa Magnolia.