-- Advertisements --

Hindi pinaporma ng Barangay Ginebra ang TNT 97-78 sa nagpapatuloy na 49th Season Philippine Cup.

Sa simula pa lamang ng laro ay umarangkada na ang Ginebra kung saan ito an ang pang-pitong panalo nila sa 10 laro.

Habang ang TNT ngayon ay mayroong anim na panalo at apat na talo kasama nila ang Rain or Shine at Converge sa ikalimang puwesto.

Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na naging matindi lamang ang kanilang paghahanda para tuluyang ilampaso ang TNT.

Bumida sa panalo ng Ginebra si RJ Abarrientos na nagtala ng 23 points habang mayroong 20 points si Japeth Aguilar.

Hindi naman umubra ang 18 points na naitala ni Calvin Oftana at ang 10 points ni Jordan Heading.