-- Advertisements --

Hawak na ng Barangay Ginebra ang solo lead sa PBA Philippine Cup matapos talunin nila ang San Miguel Beermen 75-72.

Nanguna sa panalo ng Ginebra si Christian Standhardinger na nagtala ng 20 points habang mayroong tig-15 points sina Japeth Aguilar at Scottie Thompson.

Napigilan ng Ginebra si June Mar Fajardo na nagtala lamang ng kabuuang anim na puntos sa kabuuang laro.

Mayroong ng apat na panalo at isang talo habang mayroong tatlong panalo at isang talo ang Beermen.