-- Advertisements --
Masaklap ang naging pagkatalo ng NorthPort sa kamay ng Barangay Ginebra 87-85 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Itinuturing na bayani sa panalo ng GinKings si Christian Standhardinger ng maipasok ang buzzer beat shot para madala sa dalawang panalo at dalawang talo ang Ginebra sa laro na ginanap sa Ynares Sports Arena.
Hindi magiging posibleng panalo ng Gin Kings sa naging pagsupalpal ni Japeth Aguilar sa breakaway dunk sana ni Jamie Malonzo sa natitirang walong segundo ng laro.
Hindi naman makapaniwala si Ginebra coach Tim Cone sa kanilang pagkapanalo.
Napili bilang best player of the game si LA Tenorio na nagtala ng 20 points, 5 rebounds at pitong assists.