-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naliligo na sa sariling dugo ang isang ginang nang madatnan ng mga otoridad matapos itong pagsasaksakin ng kanya umanong kalaguyo.

Kinilala ang biktima na si Jeje Bravo, 45, na nagtamo ng 22 mga saksak sa iba’t ibang parte sa kanyang katawan, matapos pagsasaksakin ng kanyang kalive-in na nakilalang si Jessie Laguna, 38, parehong residente ng Sitio Patindog, Brgy. Buenasuerte, sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur.

Sugatan na tumakbo papalayo ang biktima ngunit na-abutan ito at dito na inundayan ng saksak na kaagad naman nitong ikinamatay.

Ayon sa kanilang mga kabitbahay, selos at away sa perang natanggap mula sa 4Ps ang pinag-aawayan nila.