-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang pedestrian matapos na mabangga ng isang truck sa Busilac, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Valentina Gandeza, 59-anyos, may asawa, at residente ng Paitan, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang tsuper naman ng Mitsubishi Truck ay si Jayson Velasco at residente ng Magsaysay, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa pagsisiyasat ng Bayombong Police Station, binabagtas ng Mitsubishi Truck ang Maharlika Highway patungong hilagang direksyon partikular sa Solano, Nueva Vizcaya habang ang biktima ay tumatawid sa daan nang mangyari ang aksidente.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang biktima na dinala sa Region II Trauma and Medical Center (R2TMC) subalit idineklarang Dead on Arrival ng doktor.

Nasira naman ang harapang bahagi ng Truck pangunahin na sa kaliwang bahagi nito.