-- Advertisements --
Naitala ng Gilas Pilipinas womens ang ikalawang pagkatalo nila sa FIBA Women’s Asia Cup na ginaganap sa Sydney Olympic Park Sports Center sa Australia.
Ito ay matapos na tambakan sila ng Japan sa score na 95-57.
Nanguna si Himawari Akaho ng Japan na nagtala ng 16 points habang mayroong 15 points si Mai Yamamoto.
Nasayang ang nagawang 12 points, apat na assists at isang rebound ni Vanessa de Jesus at 12 points naman si Afril Bernardo.
Magugunitang sa unang laro nila ay tinambakan rin sila ng host country ng Australia.
Susunod na makakaharap nila ay ang Chinese Taipei sa araw ng Miyerkules.