-- Advertisements --

Tinambakan ng Gilas Pilipinas Women ang Kazakhstan 83-59 sa nagpapatuloy na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Nilimitahan ng Gilas ang matatangkad na Kazakhstan na makapuntos pagpasok ng ikalawang quarter sa laro na ginanap sa Shaoxing Olympic Sports Center Gymnasium.

Nanguna sa panalo ng Gilas Womens si Janine Pontejos na nagtala ng 21 points habang mayroong 15 poins si Khate Castillo at 11 points naman ang naitala ni Afril Bernardino.

Mayroong kabuuang 53 rebounds ang Gilas habang ang Kazakhstan ay mayroong 47 lamang.

Susunod na makakaharap ng Gilas Womens sa Group B ang Hong Kong na tinalo ng Japan 118-46 sa araw ng Biyernes.