-- Advertisements --

Umangat na ang world ranking ng Gilas Pilipinas Women’s.

Sa inilabas ng FIBA na World Ranking ay nasa pang-37 na ang puwesto ng Gilas Pilipinas Womens.

Ang nasabing pag-angat ng ranking ay matapos ang tagumpay sa FIBA Womens’ Asia Cup kung saan nagwagi sila sa group stage sa unang pagkakataon.

Sa nasabing panalo nila kontra sa Chinese Taipei ay nangangahulugan na mananatili ang Gilas Womens sa Divisioin A.

Pang pito ang Asian Ranking naman nila habang nasa pangalawa ang China, number 3 ang Australia, number 9 ang Japna , Number 13 ang Korea, number 23 ang New Zealand at number 37 naman ang Chinese Taipei.

Nangunguna pa rin sa puwesto ang US na mayroong 834.6 points.