-- Advertisements --

Tinambakan ng Gilas Pilipinas sa kanilang tune-up games ang Ivory Coast 85-62.

Nagtala ng tig-13 points sina Jordan Clarkson at June Mar Fajardo sa laro na ginanap sa Philsport Arena.

Mayroong 12 points, pitong rebounds at dalawang assists si Aj Edu.

Bagamat hindi pinasok sa unang tatlong quarters ay nakapagtala naman ng five points si Rhenz Abando.

Mayroong inilista na 13 manlalaro si Gilas coach Chot Reyes sa nasabing laro kung saan hindi pinaglaro sinal Ray Parks, Calvin Oftana at Thirdy Ravena.

Susunod na makakaharap ng Gilas ang Montenegro sa Agosto 20 at ang Mexico sa Agosto 21 bilang pagtatapos ng kanilang tune-up bago ang pagsabak sa FIBA Basketball World Cup sa Agosto 25.