-- Advertisements --

Ituturing ng Gilas Pilipinas na isang matinding laban ang kanilang paghaharap kontra sa host country na China sa semifinal rounds ng nagpapatuloy na 19th Asian Games sa Hangzhou, China.

Gaganapin ang laban ng alas-8 ng gabi ngayong Miyerkules.

Magugunitang galing sa matinding pagsubok ang Gilas ng talunin nila sa quarterfinals ng isang puntos lamang ang Iran 84-83 nitong Martes.

Hind bumitiw ang Gilas mula sa simula ng laro kahit na dominado ng Iran ang laro.

Sa panig naman ng China ay tinalo nila ang South Korea 84-70.

Huling nagharap ang China at Gilas Pilipinas ay noong FIBA Basketball World Cup classification round na ginanap ito sa bansa.