-- Advertisements --
Naihabol ng Gilas Pilipinas coaching staff ang pangalan ni Rhenz Abando bilang kapalit ng injured na si Dwight Ramos.
Dahil dito nakompleto na ni head coach Chot Reyes ang kanyang line up bago pa man ang simula ng game nitong Martes.
Liban nito si Poy Erram ay nakasama na rin sa team.
Sa Miyerkules ang unang game ng mga Pinoy laban sa Lebanon at susundan ng laro sa Biyernes kontra India at sa Linggo naman versus New Zealand.
Target ng Gilas na pumasok sa Top 2 sa Group D upang umabanse sa quarterfinals.