-- Advertisements --
Tinalo ng Gilas Pilipinas ang Senegal 75-63 sa kanilang pocket tournament sa 2023 Heyuan WUS International Basketball Tournament sa China.
Nanguna sa panalo ng Gilas Pilipinas si CJ Perez na nagtala ng 14 points habang mayroong 12 points si Dwight Ramos at 13 points naman ang naitalang puntos ni AJ Edu.
Ang nasabing laban ay tila pagganti ng Gilas dahil sa nabigo sila sa unang paghaharap nila noong Agosto 4 sa sa score na 64-72.
Huling laro nila ay gaganapin sa gabi ng Lunes kontra sa Iran dakong alas-8 ng gabi.
Ang nasabing pocket tournament ay isang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Basketball World Cup na gaganapin sa Agosto 25 dito sa Pilipinas.