-- Advertisements --

Agad na inlipat na ng Gilas Pilipinas ang kanilang atensiyon sa paghahanda para sa FIBA Basketball World Cup matapos ang tagumpay nila sa katatapos na Southeast Asian Games sa Cambodia.

Ayon kay Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na mayroon pa sila ng hanggang tatlong buwan bago ang torneo na gaganapin ang ilang laro sa Pilipinas, Japan at Indonesia na magsisimula sa Agosto 25.

Nitong nakaraang araw lamang ay sinimulan na ng FIBA ang 100 days countdown para sa nasabing World Cup.

Kasabay din nito ay inilabas na rin ng FIBA ang formal schedule ng bawat koponan na lalahok sa torneo.

Nasa Group A ang ranked 40 na Gilas na makakaharap ang world number 10 na Italy, Angola at Dominican Republic.

Pagtitiyak ni Reyes na pipili ang Samahang Basketball ng Pilipinas ng mga magagaling na basketbolista sa bansa para matapatan ang mga pambato rin ng ibang bansa.