-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng mga kapulisan sa Germany ang co-founder ng bandang Pink Floyd na sir Roger Waters dahil sa pagsuot nito ng costume na kahalintulad ng mga Nazi.
Isinuot ng singer ang nasabing costume sa dalawang concert nito sa Berlin noong nakaraang linggo.
Sinuot nito ang nasabing damit na kahalintulad ng nasa album ng banda na “The Wall” noong 1979.
Kinumpirma ni Berlin police spokeswoman Jennifer Bähle na kanilang iimbestigahan ang singer dahil sa tila pag-uudyok sa mga tao at pagpupuri pa sa mga naganap na kaharasan sa kamay ng mga Nazi.