Itinturing ni German President Frank-Walter Steinmeier na isang bagong kabanata para sa magandang relasyon ng Germany at United Kingdom ang pagbisita ni King Charles III at asawa nitong si Camila.
Isa aniyang malaking karangalan na ituring ng German President ang pagkapili ni King Charles III ang Germany sa kaniyang unang state visit mula ng maupo sa trono noong Setyembre.
Ang araw kasi ng pagdalaw ni King Charles ay siyang anibersaryo ng magsimula ang Britanyan na umalis sa European Union.
Nakatuon ang naging usapang ng dalawang lider sa Climate change.
Kapwa nagtanim ng puno ang dalawang lider sa hardin na matatagpuan sa likod ng palasyo ng Germany.
Magugunitang pupunta sana si King Charles sa France bago ang Germany subalit ito ay kaniyang kinansela dahil sa nagaganap na kaguluhan doon.










