-- Advertisements --

Mananatili ang general travel restrictions sa mga foreigners na papasok sa Pilipinas sa kabila ng desisyon ng pamahalaan na luwagan ang quarantine period para sa mga returning OFWs, balikbayans, foreign students, and workers.

Ayon kay Bureau of Immigration (BI) spokesperson Dana Sandoval, hindi pa rin pinapayagan makapasok sa Pilipinas ang mga ang mga foreign tourists, at iyong mga galing sa tinatawag na “red list” countries na nakasaad sa ilalim ng IATF Resolution No. 142 na inaprubahan noong Oktubre 7, 2021.

Nakasaad sa naturang resolusyon na ang mga fully vaccinated mula sa “green” o “yellow” list countries, teritoryo, o jurisdictions ay kailangan na sumailalim sa facility-based quarantine hanggang sa makuha nila ang kanilang negative RT-PCR test.

Kaya naman nagbabala si Sandoval sa mga airlines na magpapapasok ng mga foreigners na walang kaukulang dokumento, at ang mga biyaherong ito ay papabalikin sa kanilang pinanggalingan.

Ang mga biyahero naman na makikitaan ng kahina-hinalang COVID-19 negative result o pekeng vaccination card ay papanagutin ng Bureau of Quarantine (BoQ).