-- Advertisements --
Inihalal bilang chairperson ng House Committee on Economic Affairs si AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin.
Nangyari ito kahapon sa pagbabalik nilang mga mambabatas sa kanilang plenary session makalipas ang mahigit isang buwan na break.
Pinalitan ni Garin si Aklan Rep. Teodoro Haresco Jr.
Ang naturang komite ang siyang bahala sa mga pagpaplano at programa hinggil sa ekonomiya, pati na rin sa mga polisiya at stratehiya sa pagunlad ng bansa.