-- Advertisements --
Ikinagalit ng actor na si Gardo Versoza ang paglabas ng balita na ito ay pumanaw na.
Kumalat aniya ang balita matapos na itakbo ang actor ng ito ay atakihin sa puso noong nakaraang buwan.
Ayon sa actor na masakit aniya sa pamilya nito dahil sa may sakit pa lamang ito ay pinapatay na siya agad.
Pinayuhan nito ang mga nagkakalat ng maling balita na dapat ay kumpirmahin muna ang mga impormasyon na nakukuha bago ito ipakalat.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay inoperahan ang actor matapos na ito ay atakihin sa puso.