-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga games ng NBA na kinansela dahil pa rin sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ilang oras bago ang tip off, inanunsiyo ng liga ang postponement ng harapan ng Philadelphia 76ers’ matchup sa Oklahoma City Thunder na gaganapin sana ngayong araw sa Chesapeake Energy Arena.

Sixers Simmon Embiid

Ayon sa NBA ang 76ers ay kulang daw sa mga players sa bilang na kailangan para matuloy ang laro.

Sinasabing apat na mga players ng Sixers ang bigong makabiyahe patungong Oklahoma City na kinabibilangan nina Joel Embiid, Seth Curry, Vincent Poirier at Mike Scott.

Dahil dito nasa anim na ang mga players na inilagay sa health at safety protocol bunsod ng contact tracing.

Ang naturang match up ang ika-14 ngayon na games na kinansela ng NBA.