Habang mainit pa rin ang usapin ukol sa umano’y “ghost” flood control projects, may makahulugang post ang actress na si Gabbi Garcia sa kanyang Instagram.
Sa isang post ibinahagi ni Gabbi ang throwback travel video at nilagyan ng caption na tila flex pero may pasaring: “Rich in life ‘cause I can travel the world [and] live my best days with my own hard-earned money.”
Dagdag pa niya, “Amen, yes to hard-earned money and self-made queens.”
Nagkomento naman agad ang ilang kilalang personalidad gaya nina Karen Davila, R’Bonney Gabriel, Gil Cuerva, at Max Collins, na pawang sumuporta sa mensahe ni Gabbi.
Dahil dito, itinuturing na rin si Gabbi bilang isa sa mga celebrities na nagpahayag ng saloobin ukol sa kontrobersya — kasama sina Anne Curtis, Bianca Gonzalez, Pokwang, Edu Manzano, Vice Ganda, at Nadine Lustre.
Maalalang nag-ugat ang galit ng publiko matapos tanungin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Agosto 11 kung bakit 15 kontratista lamang ang humawak sa 20% ng halos 10,000 flood projects mula 2022. Marami raw sa mga proyektong ito ay walang malinaw na detalye kung ano ang itinayo.
Noong Agosto 19, inamin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na may mga “ghost projects” o proyektong hindi umiiral, at nangakong iimbestigahan ito.