-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagaling sa pagamutan ng singer na si Gabriel Valenciano matapos na ito ay maaksident habang nagmomotor sa US.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng nasa pagamutan at ang natumbang motor.
May caption pa ang nasabing larawan na unang aksidente na kaniyang naranasan sa buhay.
Dagdag pa ng 34-anyos na singer na nakasuot ito ng mga motorcycle gear at dahil sa impact ay nasira ito.
Pinasalamatan nito ang mga kapulisan at first aid responders na agad na tumulong sa kaniya para madala siya sa pagamutan.
Magugunitang noong Abril ay nagpasya ang singer na mamuhay na lamang sa US kasama ang pamilya.