-- Advertisements --
Tatlong malalakas na pagsabog ang narinig sa Lviv City ng Ukraine.
Naganap ang pag-atake ng Russia sa lugar ilang oras bago ang nakatakdang pagtalumpati ni US President Joe Biden sa Poland.
Isa sa mga tinamaan ay ang fuel depot sa Lviv na nagdulot ng makapal na usok.
Sinabi ni Lviv Mayor Andriy Sadovyi na maraming mga pag-atake ang nangyari pa matapos ang naganap na malakas na pagsabog.
Sinasabing nasa dalawang missile ang pinakawalan ng Russia sa lugar.