-- Advertisements --
Nag-alok ang bansang France ng submarine sa Pilipinas bilang bahagi ng military modernization program ng bansa.
Ayon kay French Ambassador Michèle Boccoz na ang nasabing pagbili ng usapin ng Pilipinas ng submarine ay natalakay noong siya ay nakipagkita kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Mayroon na aniyang mga pag-uusap at proposal ukol sa nasabing usapin.
Pagtitiyak nito na handa ang France na maging partner ang Pilipinas para mapalakas ang depensa at security capability.
Sa halagang P70-billion ay tinitigna ng gobyerno ng Pilipinas na makabili ng kauna-unahang diesel electric submarines.
Nauna rito ilang mga bansa ang nag-alok ng submarines gaya ng India, South Korea at Turkey.