-- Advertisements --

Naglaan ang France ng $98 milyon na pondo para payagan ang Ukraine na direktang makabili ng mga military aid sa kanila.

Ayon kay French President Emmanuel Macron na ang pondo ay para direktang makabili ang Ukraine ng mga armas militar na gawa ng France para may panlaban sila sa Russia.

Bukod pa dito ay mayroon ding pangako ang French President ng CAESAR howitzers sa Ukraine.

Nanawagan din ito sa Russia na tigilan na ang ginagawa nitong pananakop sa Ukraine.