niki lauda

Buhos ngayon ang pakikiramay sa pagyao ng three-time Formula One champion na si Niki Lauda sa edad na 70-anyos.

Sa pahayag ng pamilya ni Lauda, sumakabilang buhay daw ito nang mapayapa nitong Lunes.

“His unique achievements as an athlete and entrepreneur are and will remain unforgettable, his tireless zest for action, his straightforwardness and his courage remain a role model and a benchmark for all of us,” saad sa pahayag ng kanyang pamilya.

Nag-iwan din ng mensahe ang McLaren F1 team sa social media kung saan labis nilang ikinalungkot ang naturang balita.

“Niki will forever be in our hearts and enshrined in our history,” saad nito sa isang tweet.

Isa ang Austrian legend sa mga tanyag na personalidad sa motor racing kung saan nagkamit ito ng titulo sa Ferrari noong 1975 at 1977, at sa McLaren noong 1984.

Marami rin ang nakakaalala sa kanyang paggaling at pagbalik sa racing matapos na masunog ang katawan nito nang maaksidente noong 1976 German Grand Prix. (CNN/ BBC)