-- Advertisements --

Pumalo sa $657 million ang foreign direct investments (FDI) ng bansa noong Enero, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ng BSP na mas mataas ng 12.1 percent year-on-year ang naitalang FDI noong Enero kumapara sa $586-million sa kaparehas na period noong nakaraang taon.

Ayon sa BSP, nagpapakita lamang ito ng investor confidence sa ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng global economic uncertainties.

Tumaas aniya ang FDI sa unang buwan ng taong kasalukuyan dahil sa net inflows ng equity capital, na nagkakahalaga ng hanggang $352 million.

Natukoy na dumoble ang equity capital placements sa halagang $373 million mula sa $186 million year-on-year, habang ang withdrawals naman ay bumaba ng 90,7 percent sa $21 million mula sa $229 million.

Pinakamalaking equity capital placements noong Enero ay nanggaling mula sa Netherlands at Singapore, ayon sa BSP.