-- Advertisements --
Nakatakdang bumisita sa Pilipinas si Australian Foreign Affairs Minister Penny Wong.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang pagbisita ni Wong ay gaganapin sa May 16 – 19, 2023.
Sinabi ng DFA na inimbitahan nito ang Australlian official para sa isang official visit, sa gitna na rin ng pagpapakita ng Australlia ng suporta sa Pilipinas, lalong-lalo na sa usapin ng defense, maritime security, at trade relations.
Nakatakda namang makipagpulong sa kanya si DFA Secretary Enrique Manalo at inaasahang pag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa Military, Trade, at iba pang usapin.
Kasama rin sa magiging agenda ay ang bilateral relations and collaboration sa pagitan ng Pilipinas at Australia.