-- Advertisements --

Dinapuan ng Dementia ang football legend ng Manchester United na si Bobby Charlton.

Kinumpirma ito ng asawa ng 83-anyos na si Norma.

Noong Hulyo din ay pumanaw ang kapatid ni Chartlon na si Jack matapos dapuan ng dementia.

Inanunsiyo ni Norma ang nasabing sakit ni Chartlon dalawang araw matapos ang pagpanaw ng kaniyang team mate na si Nobby Stiles sa edad 78.

Ang dalawa kasi kasama ang kapatid ni Charlton ay miyembro ng Football Club ng England na nagwagi ng World Cup noong 1966.

Nagpaabot naman ng kalungkutan ang Manchester United at hangad nila ang paggaling ni Charlton.