KALIBO, Aklan —- Palalakasin pa ng Municipal Tourism Office ng Malay, Aklan ang food tourism sa Isla ng Boracay.
Ayon kay Chief Tourism Operations Officer Felix delos Santos ito ngayon ang itinutulak ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco.
Balak umano ng lokal na pamahalaan na buhayin ang ”Malay Savour” upang mabigyang pagkakataon ang mga turista na matikman ang iba’t-ibang cuisine na ipinagmamalaki ng bawat barangay ng nasabing bayan.
Sa kasalukuyan ay ini-enjoy na ng mga bisita ang bagong produkto at serbisyo sa isla gaya ng food crawl, wellness at bicycle lane.
Dagdag pa ni delos Santos na dahil sa magandang karanasang ito dahilan na napasama ang itinuturing na world-famous resort island sa bansa sa pinakamagandang lugar sa buong mundo ng Time Magazine.
Sa kabilang daku, mahigpit umano ang pagpapatupad ng maximum carrying capacity sa isla na 19,215 turista.
Aniya sa unang anim na buwan ng kasakuluyang taon, nasa 849,047 ang naitalang tourist arrivals kasama ang mga dayuhang kabasyunista lalo na ang mga Koreano.
Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga turistang magbabakasyon sa Boracay matapos ang muling pagbalik ng international flights sa Kalibo International Airport at niluwagang travel restrictions.