-- Advertisements --
max collins

KALIBO, Aklan – Todo apela ngayon ang aktres na si Max Collins sa kanyang mahigit sa 800,000 followers sa Instagram na suportahan ang kanyang food drive upang matulungan ang kanyang mga kababayan sa isla ng Boracay na apektado ng ipinapatupad na enhanced community quarantine dulot ng Coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa kanya, naiintindihan niya ang hirap na pinagdadaanan ngayon ng mga taga-isla dahil isa sa mga matinding tinamaan ng krisis ay ang industriya ng turismo, kasama dito ang mga negosyo sa sikat na tourist destination.

Sinabi pa ng aktres na nanirahan siya sa Boracay matapos na magbalik sa bansa mula sa matagal na pamamalagi sa Amerika.

Si Max Collins ay buntis ngayon sa kanilang first baby ng asawang si Pancho Magno.

Sinasabing lalaki ang kanilang magiging panganay.