-- Advertisements --
0 02 06 281fb043df5c2b04f70d8c62e845a1926915bf0389949a4e6308d7eda02cf484 b0756ea29d7965e1

Binigyang diin ni Philippine’s Ambassador to China na si Jaime FlorCruz na importanteng magkaroon ng follow up sa pledges na naibigay sa Pilipinas kaugnay ng kamakailan lamang na biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa China.

Ayon Kay FlorCruz, kailangang matiyak na ang mga pangako ay mangyayari at malaking bagay dito ang pagpa- follow up.

Naniniwala ang Ambassador ng Pilipinas sa China na hindi lamang sa mga Chinese companies nanggagaling ang pledges kundi maging sa taas.

Ang mga memorandum of understanding sabi ni Florcruz ay maituturing aniyang senyales ng mga opisyal sa taas para maramdaman ang pledges at ang kailangan talaga ay pagpa- follow up.

At sa sandali aniyang magkaroon ng magandang resulta ang mga ipinangakong investment, walang dudang makakabenepisyo ang bansa sa mga napagkasunduang agreement.