-- Advertisements --
Lake Pavilon
Lake Pavilon

Umaani ng batikos ngayon ang ginagawang hakbang ng alkalde sa West Palm Beach para sa pagpapalayas ng mga palaboy.

Ito ay dahil sa patuloy na pagpapatugtog ng children song na Baby Shark at Raining Tacos.

Sinabi ni Mayor Keith James na ito ay temporaryong paraan para maitaboy palayo ang mga palaboy sa Lake Pavilion isang glass-walled events venue.

Pinapatugtog ang nasabing mga children song bilang babala sa mga palaboy.

Ayon sa mga advocates for homeless na isang hindi makatarungang parusa ang ginagawang ito ng alkalde.

Depensa ng alkalde na nag-iiwan ng basura at kanilang dumi ang mga palaboy kaya sila ay pinapalayas.