-- Advertisements --
Opisyal nang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) Auxiliary si First Lady Liza Marcos.
Ayon kay PCG spokesman Rear Admiral Armand Balilo na ginawaran ang Unang Ginang ng honorary rank na Vice Admiral.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si FL Liza sa PCG sa kanilang walang pagod at dedikasyon sa pagbabantay sa karagatan at teritoryo ng bansa.
Ayon pa sa Unang Ginang, lumahok siya sa PCG upang magbigay-inspirasyon sa mga kasapi ng organisasyon habang tinutupad nila ang kanilang tungkulin sa bayan.