-- Advertisements --
Donald Trump
Donald Trump / FB image

Agad na magpapatupad si US President Donald Trump ng karagdagang financial at economic sanctions sa Iran.

Ito ay matapos ang ginawang missile attack ng Iran sa dalawang air bases sa Irbil at Al Asad sa west Baghdad.

Mananatili aniya ang nasabing sanctions hanggang hindi nananahimik ang Iran.

Ayon sa US President na matapos ang nasabing missile attack ng Iran ay tila naging mahinahon na ito.

Nagpasalamat naman si Trump dahil walang nasaktan sa ginawang pagpapakawala ng missile ng Iran.

Nagtamo lamang ng maliit na damyos ang kanilang US bases mula sa nasabing atake.

Magugunitang gumanti ang Iran matapos ang pagkapatay ng US sa top Iranian General Qasem Soleimani.