GENERAL SANTOS CITY – Hindi mailarawan ng maayos ng isang Filipino Teacher duon sa Thailand ang pagpatay sa 38 biktima sa luob ng day care center sa suspek na dati Pulis na armado ng kutsilyo at baril.
Ayon kay Bombo International correspondent Anjili Malala kindergarteen teacher sa Bangkok na dama nito ang hapdi ng isang Ina na nawalan ng anak.
Dagdag nito na takda sanang ipatawag sa korte kinabukasan ang suspek na si Panya Khamrab dahil sa kaso druga na posebling na naka trigger sa insidente.
Matapos pumutok ang balita kaagad nag-usab ang mga filipino teacher duon para bigyan ng seguredad ang kanilang sarili.
Paglarawan nito na walang bantay ang mga paaralan duon at tuwing alas dose ng tanghali matutulog talaga ang mga bata pati mga teacher.
Hanggang gate lamang umano ang maghatid ng bata at hindi pinapasaok sa luob habang may nakabantay na sibilyan sa labas. Dama umano nito ang sakit na dinaranas ng mga pamilya dahil anak na rin ang turing sa mga bata sa luob ng paaralan .
Sinabi din na kaisa ang filipino community sa sinapit ng mga namatayan .
Kanila ring inaalam kung may filipino teacher sa Nong Bua Lam Phu dahil ibat ibang paaralan din umano ang napuntahan ng kagaya niya na nagtrabaho sa nasabing bansa.