-- Advertisements --

Patuloy na tumataas ang demand ng mga Filipino nurses sa ibang bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa isang phone conversation kay Saudi Arabia Minister of State for Foreign Affairs Adel bin Ahmed Al-Jubeir, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na napag-usapan aniya na tumatanggap ang Saudi Arabia ng mas marami pang mga Pilipinong nurse.

Suportado rin ng Saudi Arabia ang mga Filipino medical professionals sakaling ma-recruit sa western countries matapos ang kanilang deployment sa Kingdom of Saudi Arabia para mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na magkaroon ng isang disenteng pamumuhay at mapataas pa ang kanilang skill set.

Bukod pa rito, tinalakay din ng dalawang opisyal ang bilateral relations at isyu sa mutual interest ng Pilipinas at Saudi Arabia.