-- Advertisements --
Ilang sandali matapos magwagi si undefeated John Leo Dato, isa pang Pilipino na si Genesis Libranza ang nagtagumpay sa laban nito sa Pacquiao-Thurman undercard.
Pinabagsak ni Libranza si Carlos Maldonado sa fourth round ng kanilang eight-rounder flyweight division bout.
Nagpakawala ang 25-anyos na si Libranza ng mga kombinasyon para hindi makatakas ang kawawang si Maldonado sa mga lubid bago itinigil ng referee ang kanilang laban.
Nagpakitang gilas pa si Libranza kontra Maldonado sa closing seconds ng ika-apat na round hanggang sa pumagitna na ang referee para ideklara ang kanyang technical knockout win.