-- Advertisements --
Naging maganda ang pagsisimula ng Philippine womens’ football team na Filipinas sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ito ay matapos na tambakan nila ang Cambodia 5-0.
Unang nakapuntos ang Filipinas sa 27 minuto ng maipasok ni Isabella Flangan ang goal.
Ito ang unang official matchng Filipinas mula ng magwagi sila sa AFC Women’s Asian Cup 2022 kung saan nakapasok sila sa FIFA Women’s World Cup 2023.
Susunod na makakaharap ng Womens football team ng bansa sa Group A ang Vietnam sa Mayo 11.