-- Advertisements --

Natanggal na ang Philippine women’s football team na Filipinas sa Asian Fooball Confederation (AFC) Women’s Olympic Qualifying Tournament matapos na makumpleto na ang mga maglalaro sa ikatlong round.

Ang nasabing pagkakalaglag ng Filipinas ay kahit na nagwagi sila 1-0 laban sa Iran nitong Miyerkules sa laro na ginanap sa Australia.

Ang mga Group winners ay kinabibilangan ng Australia sa Group A, North Korea sa Group B at sa Group C ay kasama ng Japan ang Uzbekistan.

Nagwagi kasi ang Uzbekistan 3-0 laban sa India na nagbigay sa kanila ng six points sa group na mayroong plus 2 goal differences habang ang Filipinas ay mayroong anim na puntos at nakuha ang ikalawang puwesto sa Group A.

Subalit mayroong minus four goal difference dahil sa pagkatalo nila sa Australia 8-0.

Dahil sa pagkatalo ay hindi na sila makakasama sa ikatlong round na magsisimula sa Pebrero 2024.