-- Advertisements --
Nagtala ng makasysayang panalo ang Filipinas football team matapos talunin ang Australia 1-0 sa pagsisimula ng kanilang kampanya sa AFF Women’s Championship.
Naging bida sa panalo si Sarina Bolden ng makapasok ang kaniyang goal mula sa pasa ni Eva Madarang sa laban na ginanap sa Rizal Memorial Stadium.
Kasama ring ibinida ng Filipinas ang matinding pagbabantay ng kanilang goalkeeper na si Olivia McDaniel na nabantayan ang pagtatangka ng Australian Matildas.
Mayroon pa sanang tsansa ang makapasok muli ng goal ang Filipinas sa 77th minute subalit ito ay nabantayan ng mga Australian Matildas.
Susunod na makakaharap ng Filipinas ang Singapore na gaganapin sa Rizal Memorial habang ang U23 Australians ay masusubukan ang Thailands sa Cavite.










