-- Advertisements --

Itinuturing ng Philippine Football Federation na ang magiging friendly games ng Filipinas ang womens football team ng bansa kontra sa Sweden ay magiging sukatan ng kanilang kahandaan bago ang pagsabak sa FIFA Womens World Cup.

Nakatakda kasi ang laban ng Filipinas sa world number 3 na Sweden sa darating na Hulyo 17 sa Wellington, New Zealand.

Ito na ang huling training match ng koponan bago ang makasaysayang paglalaro nila sa World Cup sa Hulyo 21 na unang makakaharap nila ay Switzerland.

Ayon naman kay PFF general-secretary Edwin Gastanes na isang magandang oportunidad ang nasabing laban dahil sa masusukat ang kanilang laro at para makabisado ang mga laro ng taga Europa.