-- Advertisements --
Tinambakan ng Philippine women’s football team 16-0 ang Tonga para sa kanilang friendly game sa Western Sydney Wanderers FC Football Park.
Nagtala ng limang goals si Carleigh Frilles habang pasok ang kanilang hat tricks sina Camille Rodriguez at Hali Long.
Ang nasabing performance ng Filipinas ay nasa Australia ngayon para sa kanilang ensayo sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.
Nakaharap din nila ang Fiji na kanilang napanalo.










