
Nakatanggap ang leader ng Filipino community sa Israel ng reports mula sa mga Pinoy sa kanilang nawawalang mga kamag-anak sa gitna ng nagaganap na giyera sa pagitan ng pwersa ng gobyerno ng Israel laban sa militanteng grupong Hamas.
Ayon kay FilCom leader Marc Pleños na nakabase sa kabisera ng Israel na Tel Aviv, natatakot ang mga Pilipino na madukot ng mga Palestinian na militanteng Hamas ang kanilang mga mahal sa buhay.
Isa sa kaniyang natanggap na tawag ay mula sa asawa ng Pinoy na na-hostage ng Hamas at dinala sa Gaza subalit sa ngayon ay wala pa aniyang kumpirmasyon dito ang Israeli Army.
Nakillala uimano ng tumawag ang kaniyang asawa sa isang video na umano’y ibinahagi ng Hamas sa social media.
Ilan pa sa natatanggap na tawag at mensahe ng FilCom leader sa Israel ay ang nawawala nilang kapatid na hindi pa natutunton hanggang ngayon.
Binigyang diin naman ni Pleños na ang mga claims na ito ay hindi pa naberipika ng Israeli authorities.










