-- Advertisements --
Naitabla ng Utah Jazz ang serye sa 2-2 makaraang itumba ang Dallas Mavericks sa Game 4 sa first round ng NBA playoffs, 100-99.
Naging susi sa panalo ng Jazz ang alley-pop dunk ni Rudy Gobert na may 11.0 seconds ang nalalabi sa fourth quarter.
May tiyansa pa sana ang Mavs na maipanalo ang laro pero sumablay ang tangkang 3-pointer ni Spencer Dinwiddie sa huling sandali.
Samantala, naging top scorer sa Utah ang Filipino-American na si Jordan Clarkson na nagbuhos ng 25 points.
Bumida si Clarkson sa second quarter upang tulungan ang team na umabanse at pahiyain ang pagbabalik ng Mavs superstar na si Lukas Doncic na nagpakita ng 30 points.Sa Martes ang Game 5 na gagawin sa balwarte ng Mavs.